LALAKI, PATAY MATAPOS PAGTATAGAIN NG SARILING KAPATID SA BAYAN NG LABO

LALAKI, PATAY MATAPOS PAGTATAGAIN NG SARILING KAPATID SA BAYAN NG LABO

Arestado ang 47-anyos na lalaki na kinilalang si alyas Jon matapos mapatay sa pananaga ang nakakabata nitong kapatid na si alyas Jim, 43-anyos sa Purok 3, Brgy. Malatap, Labo, Camarines Norte dakong 7:30 ng gabi nitong Oktubre 13, 2021.

Ayon sa imbestigasyon, diumano ang magkapatid ay nagpunta sa bahay ng kanilang magulang kung saan ay nagkaroon sila ng pagtatalo tungkol sa lupa na nagresulta ng kanilang suntukan. Kalaunan ay pumunta si Jon (suspek) sa kanilang kusina at kumuha ng bolo/itak at hinabol si Jim at tinaga ito ng ilang beses sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan na naging sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Agad namang rumesponde ang mga otoridad ng Labo PNP at CN 2nd PMFC na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek kung saan narekober ng mga ito ang bolo/itak na ginamit sa insidente na may tinatayang sukat na humigit kumulang Labing Isang (11) pulgada ang haba.

Samantala, ang bangkay ng biktima ay nakahimlay na sa Funeraria Belmonte, Rizal Street, Barangay Pinya, Labo, Camarines Norte.

Ang nabanggit na suspek ay nasa kustodiya na ng Labo MPS para sa paghahanda ng kaso laban sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *