ISA PATAY, DALAWA ANG SUGATAN SA BANGGAAN NG MOTORSIKLO SA BAYAN NG STA. ELENA

ISA PATAY, DALAWA ANG SUGATAN SA BANGGAAN NG MOTORSIKLO SA BAYAN NG STA. ELENA

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan sa nangyaring banggaan ng motorskilo dakong 11:00 ng umaga nitong Oktubre 28, 2021 sa Purok 14, Brgy Poblacion, Santa Elena, Camarines Norte.

Ang mga biktima ay nakilalang sina JULIUS TRILLADO y MULLIAL, 20 taong gulang, may kinakasama at drayber ng motorsiklong Suzuki Smash na kulay pink, walang plaka at may lisensyang may numerong EO1-20-000868 at ang angkas nitong si JOEMEL HAQUIAS y DUPAYA, 20 anyos at pawang mga resdidente ng Purok 1, Brgy. Bulala, Sta. Elena Camarines Norte.

Samantala, ang nakabangaan nitong motorsiklo ay isang Honda Wave na minamaneho naman na ni ANDRES BLAZA y NARZOLES, 72 anyos, may asawa at residente ng Purok 14, Brgy Poblacion, Sta. Elena, Camarines Norte.

Ayon sa ulat, habang binabaybay ng motorsiklong minamaneho ni Trillado ang kahabaan ng Maharlika highway patungong Brgy. Poblacion, Sta. Elena, Camarines Norte nang biglang sumalpok ito sa motorsiklo na minamaneho ni BLAZA na sa puntong iyon ay nagsasagawa ng U-Turn at nakaukopa sa linya ng kalsadang kanyang binabaybay. Ang nasabing aksidente ay nagresulta sa pagkakatamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ng mga biktima na mabilis na dinala sa Rosary of Virgin Mary Hospital, Sta Elena Camarines Norte para lapatan ng pang-unang lunas. Sa kasawiang palad, idineklarang dead on arrival ng nakatalagang doktor ang biktimang si ANDRES BLAZA.

Ang mga motorsiklong sangkot sa aksidente ay nasa pangangalaga na ng Sta. Elena MPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *