LALAKI, ARESTADO SA BAYAN NG LABO MATAPOS MAHULI NG ASAWA SA AKTONG PANGGAGAHASA SA KANILANG MENOR DE EDAD NA ANAK; ISA PANG ANAK, UMAMING GINASA RIN!

LALAKI, ARESTADO SA BAYAN NG LABO MATAPOS MAHULI NG ASAWA SA AKTONG PANGGAGAHASA SA KANILANG MENOR DE EDAD NA ANAK; ISA PANG ANAK, UMAMING GINASA RIN!

Labis ang galit na isang ginang sa matalos mahuli nito ang kaniyang asawa na nakahubad at diumano’y may ginagawang kahalayan sa kanilang menor de edad na anak na babae pasado alas dos ng madaling araw nitong Nobyembre 16, 2021 sa isang barangay sa Labo, Camarines Norte.

Ang nasabing suspek ay kinilalang si alyas “Robert”, 54 anyos, may asawa, walang trabaho at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa salaysay ng ina ng mga biktima, pasado alas dos ng madaling araw ng mahuli niya ang kanyang asawa na nakahubad pati na ang kanyang anak na si “nene” 16 anyos, na parehong walang pang ibabang damit sa mismong silid ng kanyang mga anak na babae. Nang kanyang kausapin ang kanyang anak ay isiniwalat nito na matagal na siyang hinahalay ng kanyang ama na nagsimula pa noong buwan ng Enero, taong 2020.

Ayon sa imbestigasyong isinagawa ng tauhan ng WCPD, diumano ay biktima rin ang isa pang anak nito na menor de edad na nakaranas rin ng kaparehong pangyayari sa kanyang ama. Saad pa ng mga biktima, hindi umano sila nagsusumbong dahil sa pananakot ng kanilang ama sa pamamagitan ng pagdadala ng kutsilyo upang maisakatuparan ang kanyang maitim na balak.

Ang suspek ay kaagad na dinakip ng kapulisan matapos ang pagsumbong ng mag-ina. Sa kasalukuyan ay himas rehas ito ngayon sa himpilan ng Labo MPS habang inihahanda ng mga tauhan ng WCPD ang kasong isasampa sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *