Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa kasundaluhan sa magkahiwalay na araw at lugar sa Kabikulan ngayong buwan ng Nobyembre.
Kabilang sa nasambit na bilang ang isang rebelde na sumuko sa mismong Headquarters ng 9IB na nakabase sa Brgy. Kabuluan, Sta. Elena, Camarines Norte nitong nakatalikod na Ika-14 ng Nobyembre, 2021.
Dala ng nasambit na rebelde ang isang Rifle Caliber 5.56mm at iba’t-ibang uri ng mga bala at magazine nito.
Samantala, bago ito ay sumuko rin ang isa pang rebelde nitong nakatalikod na ika-8 ng NobyembrE, 2021 sa himpilan ng 9IB sa Brgy. Upper Sta. Cruz, Ragay, Camarines Sur kung saan bitbit naman nito ang isang Caliber .30 M1 Garand Rifle, isang Homemade .45 Caliber Sub-machine gun at iba’t-ibang uri ng mga bala at magazine.
Kasunod nito ay bumisita naman sa 9IB nitong nakatalikod na Nobyembre 15, 2021 sina MGen. Henry A Robinson Jr PA., Commander ng 9th Infantry (SPEAR) Division at Joint Task-Force Bicolandia at Bgen Jaime A Abawag Jr PA., Commander ng 902nd (FIGHT AND SERVE) Brigade kung saan iprinisenta sa mga ito ang dalawang sumukong miyembro ng NPA.
Sa nasambit na pagbisita ay nagpaabot ng mensahe ng pasasalamat at pagbati si LtC Cleto R Lelina Jr Inf (GSC) PA, Punong Opisyal ng 9IB para sa tagumpay at patuloy na kooperasyon ng mga sibilyan sa kasundaluhan upang masugpo ang insurhensiya.
Ayon pa sa kanya, “Ito po ay isa lamang sa mga patunay sa mas pinalakas na opensiba sa pamamagitan ng maayos at mapayapang pagpapasuko sa mga natitira pang miyembro ng NPA. Kaya amin pong panawagan, mayroong programa ang ating pamahalaan sa mga magbabalik-loob na NPA. Maaari kayong sumuko sa inyong pinagkakatiwalaang indibidwal, sektor o organisasyon. Ang amin din pong batalyon ay laging bukas, kayo ay maaaring sumuko kahit ano mang oras”.