ISANG CONSTRUCTION WORKER NA MAY KASONG MURDER SA BAYAN NG LABO, ARESTADO SA NOVALICHES, QUEZON CITY

ISANG CONSTRUCTION WORKER NA MAY KASONG MURDER SA BAYAN NG LABO, ARESTADO SA NOVALICHES, QUEZON CITY

Sa masigasig na pagsasagawa ng Manhunt Charlie Operation ng pinagsanib pwersang kapulisan ng 2nd PMFC (lead unit) katuwang ang Labo MPS at Police Station 4, QCPD, Novaliches, Quezon City ay naaresto ang isang construction worker na may kasong MURDER nitong Nobyembre 26, 2021 dakong 8:20 ng umaga sa No. 15 Evangelista St, Barangay San Bartolome, Novaliches, Quezon City.

Ang akusado ay kinilalang si alyas “JOMA”, 39 anyos, binata, construction worker at residente ng Purok-4, Sitio Canalmacan Barangay Anameam, Labo, Camarines Norte. Si JOMA ay naaresto ay sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Murder na ipinalabas ni Hon. Ronaldo De Lemios Bobos, Acting Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 64, Labo, Camarines Norte sa ilalim ng kasong kriminal na may numerong 09-1766 na may petsang Agosto 29, 2009 at walang rekomendadong piyansa.

Ang nasabing personahe ay kasalukuyang nasa kustodiya ng arresting team para sa pagturn-over sa kanyang court of origin.

Muling nagbabala si PCOL JULIUS D GUADAMOR sa mga taong nagkasala sa batas, “kahit saang sulok pa kayo ng Pilipinas magtago, andito kami, ang kapulisan upang kayo ay tugisin at hulihin para mapagbayaran ninyo ang inyong mga pagkakasala sa batas at mabigyan ng hustisya ang inyong mga nabiktima”.

Leave a Reply

Your email address will not be published.