COMMANDER NG 9th INFANTRY DIVISION BUMISITA SA 9IB TROOPERS SA BAYAN NG STA. ELENA

COMMANDER NG 9th INFANTRY DIVISION BUMISITA SA 9IB TROOPERS SA BAYAN NG STA. ELENA

Mainit na tinanggap ng tropa ng 9th Infantry (SANDIGAN) Battalion ang Commander ng SPEAR Division sa pagbisita nito sa kanilang Headquarters nitong nakatalikod na ika-15 ng Nobyembre, taong kasalukuyan.

Pinangunahan ni LtC Cleto R. Lelina Jr. INF (GSC) PA ang pagsalubong sa nasambit na opisyal sa kanilang Headquartes sa Brgy. Kabuluan, Sta. Elena, Camarines Norte.

Kasama ring bumisita ng nasambit na opisyal si BGen Jaime A. Abawag Jr. PA, Commander ng 902nd Infantry Brigade.

Sa maikling talumpati ay nagbigay ng mensahe ng pasasalamat si Maj. Gen. Robinson sa 9IB Troopers para sa malaking kontribusyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagsunod sa mga mandato habang nasa ilalim ng kanyang termino.

Napag alaman na ang nasabing aktibidad ay bahagi ng exit visit ni Maj. Gen. Robinson para sa kanyang nalalapit na pagreretiro.

Mga larawan mula sa FB Page ng 9IB

Leave a Reply

Your email address will not be published.