BANGKAY NG ISANG LALAKI, NATAGPUANG PALUTANG-LUTANG SA KARAGATANG NASASAKUPAN NG BAYAN NG PARACALE

BANGKAY NG ISANG LALAKI, NATAGPUANG PALUTANG-LUTANG SA KARAGATANG NASASAKUPAN NG BAYAN NG PARACALE

Natagpuang palutang-lutang ang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki sa karagatang sakop ng Purok 7, Barangay Gumaus, Paracale, Camarines Norte Martes ng gabi, December 1, 2021.

Tinatayang nasa edad 60 taong gulang ang lalaki na mayroong tattoo na “Helen” sa kanyang kaliwang palapulsuhan.

Nakatanggap umano ng report hinggil sa natagpuang bangkay ang Paracale Municipal Police Station kaya’t agad na nagtungo sa lugar ang mga personahe nito.

Habang naglalakad ang rumespondeng team sa bulubunduking bahagi ng nasabing barangay at nasa kalagitnaan patungo sa lugar, ay sinalubong sila ng mga opisyales ng Barangay Gumaus sa pangunguna ni Punong Barangay Gil Eran kasama ang iba pang mangingisda.

Ayon sa mga ito, nagpasya silang dalahin ang katawan ng biktima upang hindi ito maanod dahil sa high tide.

Dinala ang bangkay ng biktima sa isang punerarya sa lugar para sa autopsy/post mortem examination upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito habang nagsasagawa ng follow-up investigation ang Paracale MPS hinggil sa pangyayari.

Leave a Reply

Your email address will not be published.