MGA KATUTUBO SA CAMARINES NORTE, NAGPABAKUNA RIN

MGA KATUTUBO SA CAMARINES NORTE, NAGPABAKUNA RIN

Aabot sa 282 mga katutubo o Indigenous Peoples mula sa Tribong Manide at Dumagat sa lalawigan ng Camarines Norte ang nabakunahan sa ikatlong araw ng National Vaccination Drive nitong Disyembre 1, 2021 na ginanap sa Labo Sports Complex, Labo, Camarines Norte.

Nagbayanihan ang Camarines Norte Police Provincial Office Vaccination Team, Camarines Norte Provincial Health Office at LGU-Labo upang maisakatuparan ang bakunahan.

Nagkaroon din ng feeding program at namigay ng foodpacks sa mga katutubo sa tulong ng Feeding Program at pamimigay ng food packs sa tulong ng DSWD-Camarines Norte.

Leave a Reply

Your email address will not be published.