BAYANIHAN BAKUNAHAN, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA SA BAYAN NG DAET!

BAYANIHAN BAKUNAHAN, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA SA BAYAN NG DAET!

Matagumpay na naisagawa sa bayan ng Daet ang tatlong araw na National COVID-19 Vaccination Days simula noong November 29, 2021 hanggang December 01, 2021 sa tatlong vaccination sites – SM City Daet, Central Plaza Mall at Cobangbang Elementary School.

Layunin ng National COVID-19 Vaccination Days na may temang “Bayanihan Bakunahan, Ligtas.Lakas.Buong Pinas” na makapagbakuna ng mas maraming Pilipinong may edad 18 pataas at kabataang may edad 12 hanggang 17 taong gulang bilang kontribusyon sa proteksyon ng bawat pamilyang Pilipino mula sa COVID-19 at mga variants nito.

Ang bayan ng Daet ay nakapagbakuna ng 10,494 o 131.01% mula sa target nitong 8,010 dahil sa positibong pagtugon ng mga Daeteño sa panawagan ng lokal na pamahalaan na pataasin pa ang bilang ng bakunado sa bayan ng Daet.

Nagpapasalamat din ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Daet sa lahat ng mga nakipagkaisa at nagtiyagang pumila upang mabakunahan. Gayundin sa lahat ng mga ahensiya at sektor na naging katuwang nito sa pagsasagawa ng Bayanihan Bakunahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.