AYUDA SA PANDEMYA NG TEAM GAWA, SA BRGY. BORABOD DAET, DINAGSA NG MGA RESIDENTE

AYUDA SA PANDEMYA NG TEAM GAWA, SA BRGY. BORABOD DAET, DINAGSA NG MGA RESIDENTE

Bakas ang kagalakan sa mukha ng mga residente ng Brgy. Borabod sa bayan ng Daet sa pagdating ng grupo ng Team Gawa para sa Ayuda sa Pandemya na isinasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte ngayong araw, December 6, 2021.

Maaga pa lamang pumila na sa covered court ang tinatayang aabot sa 1,300 na mga pamilya na mabibigyan ng food packs.

Dahil dito, nagpahayag naman ng kaniyang saloobin si Punong Brgy. Rosito Panotes kaugnay sa labis na pagpapasalamat kay Governor Edgardo A. Tallado, maging kay Congresswoman Marisol “Toots ” Panotes.

Binigyang diin nito ang mga proyektong naipagawa ni Gov. Egay sa kanilang barangay gaya ng covered court sa Elementary School at ang farm to market road mula Purok III hanggang Purok VI.

Samantala, bukod sa Brgy. Borabod, sabay ding nakatanggap sa ng ayuda mula sa Team Gawa ang ibang pamilya mula sa sa Brgy. Bagasbas at Brgy. Awitan

Leave a Reply

Your email address will not be published.