Isang 37 anyos na barangay tanod na may kasong paglabag sa RA 9262 (2 counts) ang naaresto ng mga kapulisan ng Labo MPS sa kanilang isinagawang Manhunt Charlie Operation nitong Disyembre 7, 2021 dakong 2:30 ng hapon sa P-1, Brgy. Napaod, Labo, Camarines Norte.
Ang nasabing akusado ay kinilalang si alyas “Kalbo”, 37 anyos, may asawa, barangay tanod at residente ng nabanggit na lugar. Ang suspek ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Leo Lumabad Intia, Presiding Judge ng RTC Branch 64, Labo, Camarines Norte para sa kasong 2 counts para sa paglabag sa RA 9262 (Violence Against Women and their Children) na may mga numerong 2021-4071 at 4072 na may petsang Disyembre 2, 2021 at rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng Pitumput Pitong Libong Piso (Php72,000.00) para sa Sec. 5 (a) at Tatlumput Anim na Libong Piso (Php36,000.00) para naman sa Sec. 5 (e).
Ang nabanggit na personahe ay nasa kustodiya na ng Labo MPS para sa kaukulang disposisyon.