BRGY 6 SA BAYAN NG DAET,  BINISITA NG TEAM GAWA PARA MAGBAHAGI NG AYUDA SA PANDEMYA

BRGY 6 SA BAYAN NG DAET, BINISITA NG TEAM GAWA PARA MAGBAHAGI NG AYUDA SA PANDEMYA

Personal na binisita ng Team Gawa, na pinangunahan ni Vice Governor Jonah Pimentel kasama ang ilang mga Bokal ng Camariness Norte Second District ang Barangay 6, Daet, Camarines Norte para sa paghahatid ng tulong sa pamamagitan ng programng Ayuda sa Pandemya ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte nitong December 7, 2021.

Bago ang pamamahagi nag paabot ng maikling pananalita ang ilang bokal partikular si Board Member Stanley Alegre.

Sa kanyang mensahe binigyang diin nito ang ukol sa massive vaccination campaign ng gobyerno. Hinikayat nito ang mga residente na magpabakuna laban sa COVID-19. Sa naging tugon ng mga residente lumilitaw na majority sa mga tatanggap ng ayuda ay bakunado na, bagay na kinatuwa nito bilang Chairman Committee on Health.

Tinatayang aabot sa himigit kumulang 1,000 households ang mabibigyan ng food packs, mga gamot at vitamins.

Leave a Reply

Your email address will not be published.