PB NICANOR S. SIBBALUCA, JR NG SAN FELIPE BASUD, NAGPAHAYAG NG BUONG PWERSANG SUPORTA SA TEAM GAWA

PB NICANOR S. SIBBALUCA, JR NG SAN FELIPE BASUD, NAGPAHAYAG NG BUONG PWERSANG SUPORTA SA TEAM GAWA

Buong pagmamalaking ipinahayag ni PB Nicanor S. Cibaluca, Jr ng Brgy. San Felipe, Basud, Camarines Norte ang buong pwersang pagsuporta nya sa Team Gawa partikular kay Gov. Egay Tallado.

Ito ay matapos magsagawa ang ang Provincial Government of Camarines Norte ng pamamahagi ng food packs sa kanilang barangay sa pamamagitan ng programang Ayuda sa Pandemya na pinangunahan ng Team Gawa nitong December 8, 2021.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas,. ayon kay PB Sibbaluca, napakalaking tulong aniya ang mga food packs na dala ng ayuda sa pandemya para sa mga residente ng kanilang barangay.

Sa huli, muli nyang binigyang diin ang syento porsyentong suporta ng brgy. San Felipe kasama ang konseho sa anumang adhikain ni Gov. Egay Tallado at maging kay Mayor Adrian Davoco.

Leave a Reply

Your email address will not be published.