Malaking tulong anya ang pagdating ng ayuda mula sa Team gawa sa Pangunguna ni Governor Egay Tallado sa Brgy. San Jose, San Vicente ito ayon sa pahayag ni Punong Brgy. Rolando Palma.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas, ipinagpasalamat nya ang dalang mga food packs at ilang vitamins dagdag pa nya na totoong kailangan ng kanilang barangay ang tulong dahil sa limitado pa lang din naman ang pagkilos ng kaniyang mga kabarangay dahil sa pandemya. Ipinagpasalamat din nito ang mga proyektong naipagawa ng Pamahalaang Panlalawigan gaya ng covered court at ang on going road concreting na hiling nya sana tuloy tuloy na matapos.
Dagdag pa ni Kap Palma ang Brgy. San Jose ay may papolasyong aabot sa 2, 480.