AYUDA SA PANDEMYA NG TEAM GAWA, SA ILANG BARANGAY SA BAYAN NG SAN VICENTE, DINAGSA NG MGA RESIDENTE

AYUDA SA PANDEMYA NG TEAM GAWA, SA ILANG BARANGAY SA BAYAN NG SAN VICENTE, DINAGSA NG MGA RESIDENTE

Bakas ang kagalakan sa mukha ng mga residente ng Brgy. San Vicente, Fabrica, Silangan, Kanluran, Asdum at Iraya Sur sa bayan ng San Vicente sa pagdating ng grupo ng Team Gawa para sa Ayuda sa Pandemya na isinasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte noong December 10, 2021.

Ayon sa isang residente, na kilala bilang Lorna, malaking tulong sa kaniyang pamilya ang natanggap niyang ayuda. Aniya, sakto ito para sa pangangailangan ngayon ng kanilang pamilya gayong malapit nang maubos ang kanilang bigas sa bahay.

Samantala, patuloy naman ang pagsisikap ng kasalukuyang administrasyon upang matulungan ang mamamayan sa probinsya sa hamon ng pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.