LAUNCHING NG RICE FARMERS FINANCIAL ASSISTANCE, 2021 YEAR END ASSESSMENT FOR BRGY. AGRICULTURAL EXTENSION WORKERS AT DISTRIBUTION OF HYGIENE KITS; HONORARIUM FOR CHILD DEVELOPMENT WORKERS, MAGKAKASABAY NA ISINAGAWA!

LAUNCHING NG RICE FARMERS FINANCIAL ASSISTANCE, 2021 YEAR END ASSESSMENT FOR BRGY. AGRICULTURAL EXTENSION WORKERS AT DISTRIBUTION OF HYGIENE KITS; HONORARIUM FOR CHILD DEVELOPMENT WORKERS, MAGKAKASABAY NA ISINAGAWA!

December 11, 2021 Daet, Camarines Norte – Magkakasabay na isinagawa sa Camarines Norte Agro Sports Center sa Provincial Capitol Compound ang tatlong programang pinangasiwaan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) sa pamamagitan nina Engr. Almirante Abad at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno naman ni Bb. Cynthia Dela Cruz.

Dinaluhan ang nasabing okasyon nina Gobernador Edgardo Tallado, Vice Governor-Elect Jonah Pimentel, 2nd Dist Representative Marisol Panotes, Acting Vice Governor Joseph Christopher Panotes at ilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.

Nagsilbi namang kinatawan ni D.A. Regional Director Rodel Tornilla si Bb. Luz Marcelino, ang Regional Technical Director ng DA Regional Office V.

Nagpaabot naman ng labis na kasiyahan at pasasalamat ang mga magsasakang tumanggap ng nasabing tulong mula sa pamahalaan at gayundin naman ang mga opisyal ng barangay na nagging bahagi din ng nasabing aktibidad.

Sa mensahe ni Gobernador Tallado, binigyan diin nito ang patuloy na suportang ibibigay ng pamahalaang panlalawigan sa mga magsasaka sa lalawigan ng Camarines Norte at patuloy na hihingi ng tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan ng nasabing sector.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *