Magkakahiwalay na proyekto at gawain ang ibinigay na at ibibigay pa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Edgardo Tallado at ng tanggapan ni Congresswoman Marisol Panotes sa Brgy. Lag- on, Daet, Camarines Norte.
Inisa-isa ni Punong Brgy. Franco ” King” Sarion ang mga proyekto na naipagaw na katulad ng NIA road malapit sa may SM City Daet, road concreting na pinondohan ng 5 milyon, at may natitira pang 80 milyon na ibibigay na nahahati sa mga sumusunod: 30 milyon para sa maikling boulevard, 30 milyon para river control na magmumula sa may Florida Village, hanggang sa Alawihao Dam, 15 milyon sa drainage system at another 5 milyon sa road concreting.
Kasabay nito nagpahayag ng suporta si PB Sarion sa Team gawa partikular kay Gov Egay at Cong. Toots.