Nagpapatuloy ang pamamahagi ni Congresswoman Josie Baning Tallado ng unang distrito, ng mga Personal Protective Equipment (PPE) sa mg mga Rural Health Unit (RHU) at mga ospital sa lalawigan.
Una nang nabigyan ang mga RHU sa Labo, ganun din ang Labo District Hospital at ngayon sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).
Kaugnay nito labis na nagpapasalamat si Acting PHO Dr. Arnel Francisco sa walang patid na tulong mula kay Cong. Josie Tallado. Magugunitang kamailan lng nagbigay ng bagong ambulance vehicle ang kongresista at ngayon panibagong dagdag na mga PPEs. Ganun din ang 5 milyong pondo para sa Malasakit Center.
Dagdag pa ni Dr. Francisco, may padating na bagong mga dialysis machine na libreng ipagagamit sa mga pasyente ng hospital. Binigyang diin nya na ang machine ay libre sapagkat may pondo aniya mula sa Malasakit Center.
Ang mga PPEs gaya ng mga face mask, alcohol at iba pang katulad nito ay malaking tulong anya para masunod ang health protocols sa paglaban sa COVID-19.
Dinagdag pa ni Francisco na sa kabuuan habang sisunusulat ang balitang ito tinatayang aabot na sa 323, 000 ang mga nabakunahan sa probinsya mula sa target population na 440, 000.
Kasabay nito ang panawagan na magpabakuna ang hindi pa nababakunahan sapagkat marami anya ang supply ng bakuna ang dumating.
News report from: Radyo Pilipinas Camarines Norte