Nasa ilalim ng Signal No. 1 ang lalawigan ng Camarines Norte at ilang bahagi ng Bicol Region sa weather advisory ng PAGASA. Caraga Region ay ramdam na ang mas malakas na hangin at ulan ilang oras bago ang inaasahang landfall ng typhoon Odette. Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 355 km sa silangan ng Surigao City, Surigao del Norte. Taglay nito ang lakas ng hangin na 150 kph at may pagbugsong 185 kph Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.
Narito ang mga lugar na nasa ilalim ng TCWS:
Signal No. 3:
Southern Leyte, southern portion ng Leyte, Bohol, eastern portion ng Cebu, kabilang na ang Camotes Island,Dinagat Islands, Surigao del Norte, northern portion ng Agusan del Norte, northern portion ng Surigao del Sur
Signal No. 2:
Mainland Masbate, Ticao Island, Romblon, Cuyo Islands Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, nalalabing bahagi ng Leyte, natitirang lugar sa Cebu, kasama na ang Bantayan Islands, Negros Oriental, Negros Occidental, Siquijor, Guimaras, Iloilo, Antique, Capiz, Aklan, nalalabing parte ng Surigao del Sur, natitirang bahagi ng Agusan del Norte, Agusan del Sur, northern portion ng Bukidnon, Misamis Oriental, Camiguin, extreme northernportion ng Misamis Occidental at extreme northern portion ng Zamboanga del Norte
Signal No. 1:
Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Burias Island, Marinduque, southern portion ng Quezon, Batangas, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, northern at central portions ng Palawan, kasama na ang Calamian, Cagayancillo at Kalayaan Islands, northern portion ng Davao Oriental, northern portion ng Davao de Oro, northern portion ng Davao del Norte, nalalabing bahagi ng Misamis Occidental, natitirang parte ng Bukidnon, Lanao del Norte, Lanao del Sur, northern portion ng Zamboanga del Norte, northern portion ng Zamboanga del Sur at northern portion ng Zamboanga Sibugay.