Nagpapatuloy ang pamamahagi ng libreng livelihood starter kit sa mga Displaced Workers ng Camarines Norte, mula sa tanggapan ng DOLE at ng Pamahalaang Panlalawigan kasama ang PESO.
December 15,2021 tumanggap ang nasa Isang daan at labing Isang (111) mga beneficiaries.Ito ay mula sa mga bayan ng Daet na may 49, Basud 15, Vinzons 26 at Talisay na may 21 beneficiaries.
Ang mga programang ito ay patuloy na isinasagawa ni Governor Tallado dahil ayon sa kaniya lahat ng sector ng lalawigan ay makatanggap ng tulong na manggagaling sa Pamahalaang Panlalawigan. Ang pamimigay ng panimulang pangkabuhayan Kits ay malaking tulong para magkaroon ng pang araw- araw na hanap buhay.Katuwang at kabahagi ng programa si Vice Gov Elect Jonah Pimentel, Ms Renalyn Alano OIC-Provincial Head DOLE-CNPFO, Acting Vice Gov Concon Panotes, BM Stanley Alegre, BM Atoy Moreno, Basud Councilor Jerry Quiñones at Former BM Pol Gache.