900 NA BAGONG SCHOLARS, DUMALO SA CEREMONIAL SIGNING NG KONTRATA NG PGCEAP

900 NA BAGONG SCHOLARS, DUMALO SA CEREMONIAL SIGNING NG KONTRATA NG PGCEAP

Dinaluhan ng humigit-kumulang na 900 na mga bagong grantees ng Provincial Government College Education Assistance Program (PGCEAP) ang isinagawang contract signing at orientation para sa naturang programa.

Ito ay pinangunahan ng Community Affairs Office sa pamumuno nina Gov. Edgardo Tallado, Vice Gov.-elect Jonah G. Pimentel, at Acting Vice-Gov. Concon Panotes.

Sa mensaheng ibinigay ng gobernador, sinabi nito na patuloy ang magiging pagtulong ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte sa mga mag-aaral na nagsusumikap pa ring makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng kahirapan ng buhay.

Binigyang-diin din ng opisyal na ang programang ito ng pamahalaang panlalawigan ay malayo na ang narating pagdating sa bilang ng mga natutulungan ng programa.

Umuwi namang masaya at nagpapasalamat ang mga bagong scholars matapos tumanggap ng pamaskong cash incentive at regalo mula sa mga opisyal.