ISANG 25 ANYOS NA BABAE, ARESTADO MATAPOS MAGSAGAWA NG BUY-BUST OPERATION ANG DAET PNP; MAHIGIT KALAHATING MILYONG HALAGA NG ILIGAL NA DROGA, NAKUMPISKA!

ISANG 25 ANYOS NA BABAE, ARESTADO MATAPOS MAGSAGAWA NG BUY-BUST OPERATION ANG DAET PNP; MAHIGIT KALAHATING MILYONG HALAGA NG ILIGAL NA DROGA, NAKUMPISKA!

Mahigit kalahating milyong pisong halaga ng iligal na droga ang nakumspika ng mga otoridad mula sa isang 25 anyos na dalaga sa ikinasang buy-bust operation sa Purok 5, Barangay Pamorangon, Daet, Camarines Norte nitong nakaraang Huwebes, December 16, 2021.

Ang suspek ay kinilala sa kanyang alyas na “ANA”, residente ng Purok 3, Brgy San Roque, Mercedes Camarines Norte at kabilang sa Ready for listing ng PNPNakumspika ng mga otoridad sa operasyon ang mga sumusunod:

• Isang (1) kulay itim na sling bag na may tatak na BENCH;

• Isang (1) piraso ng katamtamang laki ng selyadong plastik na pakete ng hinihinalang “Shabu” (buy-bust drug);

• Dalawang (2) nakatiklop na papel na binalutan ng scotch tape na may lamang tig apat (4) na nakatiklop na papel kung saan may lamang hinihinalang shabu bawat isa;

• Isang (1) kahon ng Marlboro blue na sigarilyo na may lamang animnapu’t pitong (67) pekeng Limang daang piso (boodle money) at isang totoong Limang daang piso na may serial number na LEI156584 (buy-bust money);

• Siyam (9) na katamtamang laki ng selyadong plastik na pakete ng hinihinalang “Shabu”;

• Isang (1) piraso ng nakatiklop na kulay yellow green na papel na naglalaman ng isang (1) selyadong plastik na pakete ng hinihinalang “Shabu”; at

• Isang (1) piraso ng maliit na selyadong plastik na pakete ng hinihinalang “Shabu”

Ang lahat ng nakumpiskang ebidensya ay nakuha sa loob ng bag na pagmamay-ari ng nasabing suspek.Kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II of RA 9165 ang kakaharapin ng suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng Daet MPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.