MAHIGIT 50 INDIGENOUS PEOPLE NAKATANGGAP NG REGALO SA ISINAGAWANG CHRISTMAS GIFT GIVING

MAHIGIT 50 INDIGENOUS PEOPLE NAKATANGGAP NG REGALO SA ISINAGAWANG CHRISTMAS GIFT GIVING

Masayang tinanggap ng mga batang miyembro ng Manide (Indigenous People) ang mga regalo mula sa kasundaluhan ng 9th Infantry (SANDIGAN) Battalion nito lamang ika-22 ng Disyembre 2021 sa Brgy. Guisican, Labo, Camarines Norte.

Bukod sa mga regalong handog ay nakatanggap din ang mga bata ng bagong tsinelas. Aktibo ring nakilahok ang bawat isa sa mga palarong inihanda ng 9IB. Nagpasalamat naman si Ms. Genalyn Sanchez, kinatawan ng Chieftain ng Manide para sa paglaan ng oras ng 9IB at sa pagpili sa mga batang manide bilang benepisyaryo ng Christmas Gift Giving. Ayon pa sa kanya, “Ito po ay parte ng ating pagdiriwang sa kapanganakan ni Hesukristo. Maraming salamat po sa 9IB, dalangin po namin na bigyan pa kayo ng Panginoon ng lakas upang makapaghatid ng saya sa mga tulad namin. Kayo po ang isa sa mga naging instrumento upang maramdaman namin ang papalapit na pasko”.

Nagbigay din ng mensahe ng pasasalamat si LTC CLETO R LELINA JR INF (GSC) PA, Punong Opisyal ng 9IB. Ayon pa sa kanya, “Naisakatuparan po ang aktibidad na ito dahil sa buong pusong suporta ng lokal na pamahalaan ng Labo at ng Brgy. Guisican. Kami po, ang inyong kasundaluhan, ay patuloy na magsasagawa ng ganitong aktibidad habang ginagampanan ang pagpapanatili ng kapayapaan at pagsiguro sa ating kaligtasan”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *