PINAIGTING NA KAMPANYA KONTRA TERORIS MO; ISANG TERORISTANG NPA, PATAY!

PINAIGTING NA KAMPANYA KONTRA TERORIS MO; ISANG TERORISTANG NPA, PATAY!

CAMP BUSIG-ON, Labo, Camarines Norte – Patay ang isang miyembro ng teroristang New People’s Army sa ikinasang operasyon ng 96th Infantry (ALAB) Battalion sa Barangay Malaya, Labo, Camarines Norte dakong alas 3 ng hapon, ika-25 ng Desyembre, Araw ng Kapaskuhan, taong kasalukuyan.

Mula sa suplong ng mga residente hinggil sa presensya teroristang grupo, nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na pwersa ng 96th Infantry (ALAB) Battalion, 9th Infantry (SANDIGAN) Battalion, 1st Camarines Norte PMFC at 2nd Camarines Norte PMFC, dahilan ng sagupaan na tumagal ng dalawampu’t limang minutong palitan ng putok mula sa magkabilang panig.

Isa ang patay sa hanay ng mga teroristang NPA at nasamsam sa mga ito ang dalawang M16 rifle, laptop, mga kagamitang pandigma at personal na gamit ng mga nagsitakas na terorista. Wala namang nasaktan o nasugatan sa hanay ng pwersa ng pamahalaan. Ang kampanya kontra terorismo ay bahagi ng implementasyon ng Executive Order 70 (Whole-of-Nation Approach) na tuluyang sugpuin ng mga kapulisan at kasundaluhan ang mga teroristang NPA kasama ang mga ahensya ng pamahalaan at mga mamamayan upang tuldukan ang insurhensiya sa bansa.

Nagpaabot naman ng mensahe ng pasasalamat si BGen. Jaime A. Abawag Jr, pinuno ng 902nd Infantry (FIGHT and SERVE) Brigade para sa pakikiisa ng mga residente sa pagsakatuparan ng misyon, ayon sa heneral, “sa kabila ng hamon na ating kinahaharap bunsod ng pandemya, tuloy pa rin ang teroristang grupo sa pananakot at pangingikil na nagdudulot ng kahirapan at dagdag pasakit sa ating mga kababayan. Mulat na ang taong bayan sa kasamaan ng mga teroristang ito”, giit niya.“Hinding-hindi natin hahayaang makapaghasik ng kasamaan ang mga teroristang ito lalo na ngayung Kapaskuhan. Maging babala sana ito sa mga teroristang grupo na Pasko man o hindi, palaging handa ang inyong mga kasundaluhan na bantayan at tiyaking ligtas ang mga mamamayan”, dagdag pa ni BGen. Abawag Jr. Patuloy pa rin ang isinasagawang operasyon laban sa mga nagsitakas na miyembro ng mga NPA.

News source: https://www.facebook.com/fightandserve/posts/286220140215602

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *