SANGGOL INABANDONA NG KANYANG INA  SA ISANG PAMPUBLIKONG PALIKURAN SA BAYAN NG LABO

SANGGOL INABANDONA NG KANYANG INA SA ISANG PAMPUBLIKONG PALIKURAN SA BAYAN NG LABO

Isang patay na sanggol ang natagpuan kadikit ng kanyang inunan sa isang pampublikong palikuran sa bayan ng Labo, Camarines Norte alas 9:00 ng umaga nitong Disyembre 29, 2021. 

Ayon sa ulat mula sa Labo MPS, sa nabanggit na lugar at oras ng pangyayari ay isang 25 anyos na dalaga ang nagtungo sa pampublikong palikuran ng Labo upang umihi ngunit aalis na sana ito nang hindi sinasadyang nahulog ang kaniyang pitaka mula sa kanyang baywang na naging daan upang masilayan nito ang isang walang buhay na sanggol na nasa likod ng toilet bowl. Lubha itong ikinabigla ng dalaga at nahabag sa kalunos-lunos na sinapit ng walang muwang na sanggol.

Dali-daling pumunta sa opisina/outpost ng municipal enforcer ang nasabing saksi upang humingi ng tulong at agad na ipinaalam sa mga tauhan ng pulisya ang natagpuang patay na sanggol. Hindi naman nakilala ang umano’y ina na nag-abandona sa nasabing sanggol Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon para sa posibleng pagkakakilanlan ng ina ng sanggol. 

Samantala, ang sanggol ay dinala sa simbahan upang mabasbasan  bago ilibing.

“Nananawagan po tayo sa posibleng nakakita o nakakakilala sa ina ng nasabing sanggol na kung maari po ay makipagtulungan tayo upang mapagbayaran nito ang kaniyang ginawang kasalanan. Kaawa-awa ang sinapit ng batang hindi man lang binigyan ng kanyang sariling ina ng pagkakataong mabuhay sa mundo,’ ani PCOL Guamador.

Leave a Reply

Your email address will not be published.