ISANG 28 ANYOS NA LALAKI, ARESTADO MATAPOS MAHULI NG PULIS SA AKTONG PANUNUTOK NG BARIL SA BAYAN NG DAET

ISANG 28 ANYOS NA LALAKI, ARESTADO MATAPOS MAHULI NG PULIS SA AKTONG PANUNUTOK NG BARIL SA BAYAN NG DAET

Sa kalagitnaan ng isang inuman, isang lalaki ang arestado matapos itong manutok ng baril dakong 11:15 ng gabi nitong January 4, 2022 sa Dulong Bayan Ilaod, Brgy I, Daet, Camarines Norte.

Ang suspek ay nakilala bilang alyas “Nel”, 28 anyos, binate, construction worker at residente ng Purok 2, Barangay Camambugan, Daet, Camarines Norte.

Sa isinagawang imbestigasyon, habang nag-iinuman ang suspek at biktima sa nasabing lugar ay nagkaron ang mga ito ng hindi pagkakaunawaan dahil sa biro ng biktima. Sa puntong iyon, binunot ng suspek ang isang kalibre 38 na revolver at agad na itinutok sa biktima.

Maswerte namang isang pulis na nakadestino sa Lunsod ng Naga na kasalukuyang nasa bahay ng kanyang kaibigan malapit sa lugar ang nakakita sa insidente at agad na inaresto ang suspek.
Nakuha sa suspek ang ay isang (1) yunit ng hinihinalang cal .38 revolver na walang trademark at serial number na may kargang anim (6) na bala para sa nasabing baril at isang (1) holster na kulay itim. Agad humingi ng responde sa mga tauhan ng Daet PNP at itinurn-over ang suspek pati na ang mga ebidensyang nakuha mula rito.

Inihahanda na ng nakatalagang imbestigador ng Daet PNP ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa naarestong suspek .sa pamamagitan ng inquest proceeding sa Provincial Prosecution Office.

“Sa nangyaring insidente, maswerteng isang pulis na nasa lugar ang naroon sa malapit at agad na nakapagresponde, kung hindi baka kung anong gulo o krimen pa ang mangyari. Muli ko pong paalala sa mga kababayan natin na may mga tinatagong baril na hindi lisensyado at sa mga taong hindi otorisado o walang lisensyang magdala ng kahit anumang baril ay kung mangyari po ay makipagtulungan kayo sa amin at pansamantala muna ninyong isurrender for safekeeping. Nalalapit na po ang simula ng ating Election Period. Ang Gun Ban ay magsisimula sa January 9 at magtatapos sa June 8, 2022 kaya kung kayo po ay may mga kakilala o kayo mismo ay may tinatagong baril na hindi lisensyado, mangyari pong pumunta kayo sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya sa inyong lugar para sa pansamantala nitong pangangalaga habang inaayos ninyo pa ang inyong mga dokumento upang makaiwas din po tayo sa anumang remalaso. Sa mga masasamang loob naman na gagamit ng baril upang makapanakot at gumawa ng krimen dito sa probinsya, pag-isipan ninyong mabuti ang mga hakbangin na inyong gagawin at huwag na huwag ninyong tangkain na gumawa ng masama dito sa Camarines Norte”

PCOL Julius Guadamor
Provincial Director
Camarines Norte Provincial Police

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *