ISANG 50 ANYOS NA LALAKI, ARESTADO SA KASONG TATLONG BESES NA PANGHAHALAY SA KANIYANG STEPDAUGHTER!

ISANG 50 ANYOS NA LALAKI, ARESTADO SA KASONG TATLONG BESES NA PANGHAHALAY SA KANIYANG STEPDAUGHTER!

Sinilbihan ng warrant of arrest nitong Enero 5, 2022 ng mga tauhan ng Daet Municipal Station (MPS) ang isang 50 anyos na lalaki para sa tatlong beses panghahalay sa kaniyang stepdaughter.

Ang suspek ay kilala bilang alyas Dong, isang karpintero at resident ng Purok 1, Barangay VI, Daet, Camarines Norte.

Ang nabanggit na akusado ay may standing order of arrest para sa tatlong (3) beses na Rape in relation to RA 7610 at Qualified Rape through Sexual Assault na inisyu ni Hon. Judge Rene Morallo dela Cruz ng Regional Trial Court, Branch 5, Daet, Camarines Norte sa ilalim ng Criminal Case Nos. 21370, 21371, 21372 at 21373 na may petsang Enero 4, 2022.

Ang nabanggit na mga kaso ay walang inirekomendang piyansa bawat isa. Ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatan sa konstitusyon.

Ayon sa  ulat mula sa Daet MPS, ang nasabing personahe ang akusado  sa panghahalay sa 11 anyos na batang babae na anak ng kanyang kinakasama. Diumano, una ng napagtagumpayan nito ang mga kahalayan noong nasa edad 10 anyos pa lamang ang biktima at sinundan ito noong Hulyo taong 2021. Ang biktima ay napigilang isiwalat ang ang insidente dahil umano sa pagbabanta ng kanyang amain.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya pa rin ng Camarines Norte Provincial Jail ang nasabing akusado alinsunod sa isa pa niyang kaso na nakabinbin sa Regional Trial Court Branch 41, Daet, Camarines Norte para sa paglabag sa Section 5 & 11, Article II ng RA 9165 na may kasong kriminal na may numerong 21320 at 21321.

Leave a Reply

Your email address will not be published.