Isang lalaki ang pinagbabaril sa mismong tahanan nito dakong 8:30 ng gabi nitong Enero 10, 2022 sa Purok-1, Barangay Iberica, Labo, Camarines Norte.
Base sa ulat ng Labo MPS, dakong 9:30 ng gabi, isang tawag mula sa telepono ang nagpaabot ng impormasyon sa kanilang himpilan ukol sa insidente ng pamamaril sa nasabing lugar at naipaabot na ang biktima ay dinala na sa ospital matapos ang insidente. Agad na nagtungo ang tauhan ng Labo MPS sa lugar ng pinangyarihan upang magsagawa ng imbestigasyon at kalaunan ay nagtungo sa ospital upang alamin ang kalagayan ng biktima at upang makakuha ng impormasyon.
Ang biktima ay nakilalang si alyas “Nel”, 45 anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar habang ang suspek ay kinilalang si alyas habang ang suspek ay kinilalang si alyas “Noy”, nasa hustong gulang at residente ng ng Purok-2, Barangay Iberica, Labo, Camarines Norte. Ayon sa imbestigasyon, dumating ang suspek sa bahay ng biktima para makipag-usap at habang papalapit ang biktima, galit na nagsalita ang suspek ng “Ano baga ang gusto mo?”. Pagkatapos nito ay bumunot ng kanyang dalang baril ang suspek at binaril ang biktima ng ilang beses at agad na tumakas patungo sa hindi malamang direksyon matapos ang insidente. Ang biktima ay agad na dinala ng kanyang mga kaanak sa Camarines Norte Provincial Hospital at inilipat sa Bicol Medical Center ngunit idineklara itong Dead on Arrival ng nakatalagang doktor. Nasabi umano ng biktima sa kanyang mga magulang ang pangalan ng bumaril sa kanya bago ito mamatay. Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang (2) basyo ng bala mula sa hindi pa mabatid na kalibre.
Samantala, patuloy ang isinasagawang hot pursuit operation ng mga operatiba ng Labo MPS para sa posibleng pagkakaaresto sa suspek habang inihahanda naman ng imbestigador sa kaso ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kasong kriminal laban sa suspek.