LALAKING SUSPEK SA PAMAMARIL SA BAYAN NG LABO NAARESTO NA NG PULISYA

LALAKING SUSPEK SA PAMAMARIL SA BAYAN NG LABO NAARESTO NA NG PULISYA

Matatandaang dakong 8:30 ng gabi noong Enero 10, 2022 isang lalaki ang pinagbabaril sa tahanan nito sa Pursok-1, Barangay Iberica, Labo, Camarines Norte na kung saan ang biktima ay nakilalang si alyas “Nel”, 45 anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar habang ang suspek ay kinilalang si alyas “Noy”, 42 anyos, may asawa, isang drayber at residente ng Purok-2, Barangay Iberica, Labo, Camarines Norte.

Dakong alas 5:00 ng umaga nitong Enero 11, 2022 ay naaresto ng mga operatiba ng Labo MPS ang nasabing suspek sa Purok 2, Barangay Iberica, Labo, Camarines Norte. Ayon sa suspek, itinapon niya ang baril na ginamit sa pamamaril sa Labo River (Busig-on) matapos ang insidente. Nasa kustodiya na ngayon ng Labo MPS ang suspek upang kaharapin ang krimeng kanyang ginawa.

Pinapurihan naman ni PCOL JULIUS D GUADAMOR ang mga operatibang nasa likod ng agarang pagkakaaresto sa suspek at sa maagap na pagbigay ng hustisya sa biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published.