SENATE PRESIDENT TITO SOTTO TINANGGIHAN ANG “NO VACINNATION, NO RIDE” POLICY

SENATE PRESIDENT TITO SOTTO TINANGGIHAN ANG “NO VACINNATION, NO RIDE” POLICY

Kahapon January 12, 2022 tinanggihan ni SENATE President Vicente “Tito” Sotto III ang “No Vaccination, No Ridepolicy na inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) habang pinapataas ng gobyerno ang mga hakbang nito sa pagtugon upang makontrol ang pagtaas ng mga impeksyon sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Senate President Sotto, hindi dapat i-diskrimina ng mga ehekutibong opisyal ang mga hindi pa nababakunahang commuters. Sa halip, dapat ay humanap ng mga alternatibong paraan upang kumbinsihin ang publiko na gamitin ang libreng vaccination program ng gobyerno.

There should be no discrimination among the riding public. Instead of barring them from riding public transports, DOTr should come up with brighter ideas on how to protect the unvaxxed from the deadly virus. For example, in trains or in PUBs, designated coaches or buses should be designated for riders who have not been jabbed,” sabi ni Sotto. 

Giit ng Senate President na marapat lang na mapagsilbihan pa rin ng pamahalaan ang mga mamamayang ayaw pa ring magpabakuna

Our government should also serve the people who still don’t want to get their vaccines.”

Napakarami pa anyang maaaring pagpilian, subalit ang pag destabilisa sa pampublikong transportasyon ng mga mamamayan ay hindi nararapat na makasama.

There are many options, but to destabilize the means of transportation of our people should not be the only option. Think. Explore. There are plenty of other ways to fight the pandemic.” 

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *