AMA NA MAY KASONG DALAWANG BESES NA PANGGAGAHASA SA KANYANG SARILING ANAK, ARESTADO SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN

AMA NA MAY KASONG DALAWANG BESES NA PANGGAGAHASA SA KANYANG SARILING ANAK, ARESTADO SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN

Tuluyan ng napasakamay ng kapulisan ang suspek sa panggagahasa sa sariling anak sa bayan ng Jose Panganiban.

Batay sa ulat na inilabas ng Jose Panagniban Municipal Police Station, dakong 6:45 kagabi, Enero 13, 2022 nang magsagawa ng manhunt charlie operation ang mga operatiba ng nasambit na himpilan ng pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Roger sa Barangay Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Si alyas “ROGER”, 36 anyos, minero at residente ng nabanggit na lugar ang suspek umano sa panggagahasa ng dalawang beses sa kanyang menor de edad na anak kung saan naganap umano ang krimen sa kanilang tahanan nitong nakatalikod na taong 2021.

Inaresto si “ROGER” sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong 2 beses na paglabag sa Special Protection of Children against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act (Anti-Child Abuse Law) (Incest Rape in relation to RA 7610) na ipinalabas ni Hon. Rene Morallo DeLa Cruz, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 5 (Family Court), Daet, Camarines Norte sa ilalim ng kasong kriminal na may numerong 21437 at 21438 na may petsang January 10, 2021

Walang rekomendadong piyansa ang korte para sa mga nasambit na kaso at posibleng maharap sa habambuhay na pagkakabilanggo ang suspek kapag napatunayang may sala ng korte.

Samantala, ang akusado ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng nasabing himpilan para sa kaukulang disposisyon. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.