PANGARAP NA MALINIS AT LIBRENG INUMING TUBIG NG ISA SA MALALAYONG BARANGAY SA BASUD CAMARINES NORTE TULUYAN NANG NAISAKATUPARAN DAHIL SA AKO BICOL PARTYLIST

PANGARAP NA MALINIS AT LIBRENG INUMING TUBIG NG ISA SA MALALAYONG BARANGAY SA BASUD CAMARINES NORTE TULUYAN NANG NAISAKATUPARAN DAHIL SA AKO BICOL PARTYLIST

Hindi naiwasang maging emosyonal ni Kapitana Nora Vargas ng Barangay Guinatungan Basud, Camarines Norte habang pinanonood nito ang video na nagpapakita ng mga testimonya ng mga unang naging benispisyaryo ng Water System level 2 na kaloob ng Ako Bicol Partylist.

Ito’y sa kalagitnaan ng Blessing at Inauguration sa ikatlong water system project na naipagkaloob ng AKB sa lalawigan ng Camarines Norte mula nang umarangkada ito sa buong rehiyon.

Ayon sa Punong Barangay, pumatak ang kanyang luha habang pinapanood ang video dahil wala aniya itong pinagkaiba sa mga dinanas niya at ng kanyang mga kabarangay sa haba ng panahon kung saan kinakailangan pa nilang maglakad ng malayo para lamang makaigib ng tubig. Inalala nito ang mga panahong halos madapa sila sa pagbitbit ng mga water container may maiuwi lamang sa kanilang mga bahay para magamit sa pang-araw-araw.

Labis ang pasasalamat ni Kap Nora dahil sa dinamirami ng mga ahensya de Gobierno ay sa ako Bicol lang pala matutupad ang kanilang pinapangarap. Mismong sa lupang pagmamay-ari ng kapitan inilagay ang water system project kung saan mas accessible ito dahil nasa tabi lamang ito ng kalsada.

Taus puso rin na nagpasalamat ang kapitan kay Congressman Zaldy Co dahil sa napakagandang programa na ito na wala pang nakakagawa na ibang partylist kundi Ako Bicol lamang. Hiling ni Kapitan Vargas na marami pang katulad nila na mga Barangay sa buong kabikulan ang mabiyayaan ng naturang proyekto.

Ang Water Supply System Project level 2 na ipinagkaloob ng Ako Bicol Partylist sa Barangay Guinatungan ay kagaya ng mga naunang ipinagkaloob ng Ako Bicol sa iba’t-ibang lugar sa kabikulan gamit ang mga makabagong teknolohiya at sa pamamagitan ng mga dalubhasang geologists na nag-iikot sa mga probinsya ng Bicol para maghanap ng mga water source.

Katuwang dito ng AKB ang Department of Public Works and Highways na siyang responsable sa pagtatayo ng water system project na pinapatakbo lamang ng kuryenteng nagmumula sa araw o solar power.

Leave a Reply

Your email address will not be published.