VICE MAYOR RAMIR BARRAMEDA NG BASUD LABIS NA IPINAGPASALAMAT ANG PAGKAKALOOB NG AKO BICOL PARTYLIST NG WATER SYSTEM PROJECT SA ILANG MGA BARANGAY SA NATURANG BAYAN

VICE MAYOR RAMIR BARRAMEDA NG BASUD LABIS NA IPINAGPASALAMAT ANG PAGKAKALOOB NG AKO BICOL PARTYLIST NG WATER SYSTEM PROJECT SA ILANG MGA BARANGAY SA NATURANG BAYAN

Hindi lang ang Barangay Guinatungan sa bayan ng Basud Camarines Norte, ang natatanging barangay na mabibiyayaan ng water system Level 2 Project ng Ako Bicol Partylist bagkus ay may tatlo pang mga barangay na walang linya o hindi abot ng Local Water District at malayo sa kabayanan na mabibiyayaan ng naturang proyekto sa mga darating mga buwan sa pagpasok ng taong 2022.

Kaya naman bilang pangalawang ama ng Bayan ng Basud, labis itong ipinagpasalamat ni Hon. Vice Mayor Ramir Barrameda kay Rep. Elizaldy Co at Ako Bicol Partylist dahil lubos itong kinakailangan ng mga far flung barangays ng naturang bayan.

Mapalad ang bayan ng Basud dahil sa labin-dalawang bayan ng Camarines Norte ay dito nailagay ang ikatlong water system ng Probinsya mula nang ito ay umpisahan ng Ako Bicol sa kalakhang Bicolandia.

Hiling ni Vice Mayor Barrameda sa partylist ng mga Bikolano na sana ay marami pang barangay sa kanilang bayan ang mabiyayaan ng naturang milyong pisong halaga ng proyekto..Ayon pa sa Bise Alcalde, nag-iisip na rin sila ng mga pamamaraan kung paano makakatulong sa Ako Bicol at mga Barangay pagdating sa paghahanap ng mga lupang maaaring mapagkuhanan ng water source sa hinaharap.

Samantala, nagbalik-tanaw naman si Barrameda sa mga panahong mayroon siyang mga inilalapit sa Ako Bicol Partylist para sa mga tulong pinansyal sa pamamagitan ni Provincial Coordinator Raymund Prado at hindi naman ito binibigo ng Ako Bicol. Aniya maging siya nakakapag-refer din sa Ako Bicol ng mga taong kapos sa buhay at nabibigyan naman ito ng karampatang tulong gaya ng Educational Assistance, Medical Assistance at iba pang asistensya na mula pa man noong mahalal sa kongreso ay pinaglaanan na ng pondo ng Ako Bicol Partylist.

Ang mensaheng ito ni Vice Mayor Ramir Barrameda ay isa lamang pagpapatotoo na ang Ako Bicol Partylist mula noon hanggang ngayon ay “KATABANG NA.. KASUROG PA”.

Press Release: AKO Bicol Party List

Leave a Reply

Your email address will not be published.