Bumagsak sa kamay ng kapulisan ang lalaking kabilang sa Most Wanted List ng lalawigan ng Camarines Norte matapos ang matagumpay na opesayon na ikinasa ng kinauukulan kagabi, ika-7 ng Pebrero 2022.
Dakong 8:15 kagabi ng matunton at madakip sa SM North Edsa, Quezon City ng pinagsama-samang pwersa ng Intelligence Operatives ng Talisay Municipal Police Station (Lead Unit Regional Intelligence Division- Regional Special Operations Unit 5, Provincial Intelligence Team- Camarines Norte, Regional Intelligence Unit, Camarines Norte Criminal Investigation and Detection Team, Maritime Police Station 5, Camarines Norte Provincial Highway Patrol Team sa ilalim ng pangkalahatang pamumuno ni PCpt John Lawrence M. Sabong hepe ng Talisay MPS at sa pakikipagtulungan ng Quezon City Police Station ang suspek na si alyas “Boy”, 31 taong gulang, isang electrician, residente ng Brgy. Bagong Bayan, Jose Panganiban, Camarines Norte.
Nabatid na may kinakaharap na kasong Rape in relation to RA 7610 ang suspek na nadakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Evan D. Dizon ng Branch 40, Regional Trial Court, Fifth Judicial Region, Daet, Camarines Norte noong Nobyembre 5, 2020 sa ilalim ng Criminal Case Number 20574.
Walang iminumungkahing piyansa ang korte para sa nasambit na kaso at posibleng maharap ang suspek sa habambuhay na pagkakabilanggo.
Ang nasabing suspek ay kabilang sa Rank #9 Provincial Most Wanted Person ng Camarines Norte.
Nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek para sa kaukulang disposisyon.
*Pabatid: Ang nabanggit na suspek ay nananatiling inosente hanggat hindi napapatunayang may sala ng korte.