ROBREDO NAKUHA ANG SUPORTA NG ILANG PRODUKTO AT KUMPANYA

ROBREDO NAKUHA ANG SUPORTA NG ILANG PRODUKTO AT KUMPANYA

Naging Kakampink na rin ang iba’t ibang produkto at kumpanya matapos magpahayag ng buong suporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo bilang pangulo.

Sumali sa Pink Wave ang Café Briton at Hygge Restaurant nang mag-post sila ng Pink Square sa kani-kanilang Facebook pages. Sinamahan pa ng Hygge ang post nila ng caption na “For the country’s future.”

Nagpahayag din ng suporta ang cosmetics brand na Colourette sa pamamagitan ng pag-post ng painting ng mga rosas gamit ang iba’t ibang kulay ng kanilang mga produkto at sinamahan pa ito ng caption na “#KulayRosasAngBukas.

Nag-share naman ang sleep aid supplement na Sleepasil ng pink social card na may nakalagay na “What a dream – to be able to sleep at night knowing our country is in the hands of a capable woman” at sinamahan ito ng hashtag na “#KulayRosasAngBukas.”

Binago naman ng Hugo Bikes ang kulay ng logo nito sa pink at sinamahan pa ng caption na “For a better country. For a brighter tomorrow.”

Nag-trending ang “KulayRosasAngBukas” sa Twitter ng 24 na oras noong Martes bago ang campaign kickoff ni Robredo sa Naga City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *