TRUCK BUMANGGA SA GILID NG HIGHWAY SA BRGY DAGUIT LABO; 1 RESIDENTE SUGATAN

TRUCK BUMANGGA SA GILID NG HIGHWAY SA BRGY DAGUIT LABO; 1 RESIDENTE SUGATAN

Isang residente ang nagtamo ng malalang pinsala sa katawan matapos madaganan ng isang forward truck na bumangga sa gilid ng highway sa bahagi ng Sitio Namukanan Brgy Daguit, Labo Camarines Norte bandang 11:00 ng umaga kahapon, Pebrero 13, 2022.

Kinilala ang residente na si Dante Villamarzo, 55 anyos, residente ng nasambit na lugar.

Ayon sa iba pang residente sa lugar, naghuhugas umano ng plato ang biktima sa lugar kung saan biglang bumangga ang forward truck na may plate no. ABJ 8849 na hinihinalang nawalan ng preno kaya sumadsad sa gilid ng kalsada.

Agad namang rumisponde ang Mdrrmo Labo at agad na dinala sa pagamutan ang biktima na nagtamo ng pinsala sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Samantala patuloy ang imbestigasyon ng Labo Municipal Police Station sa naganap aksidente habang nasa kustodiya na rin ng nasambit na himpilan ang driver ng truck para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.