CHERRY PIE PICACHE AT NIKKI VALDEZ BILIB KAY ROBREDO SA PAGLABAN SA MGA BATIKOS AT FAKE NEWS

CHERRY PIE PICACHE AT NIKKI VALDEZ BILIB KAY ROBREDO SA PAGLABAN SA MGA BATIKOS AT FAKE NEWS

Nagpahayag ng pagkabilib si Cherry Pie Picache kay Bise Presidente Leni Robredo dahil sa ipinapakita umano nitong tapang at propesyonalismo sa pagharap sa mga batikos, paninira at mga fake news na lumalabas tungkol dito.

Ayon kay Picache, bilang babae ay kamangha mangha umano ang ipinapamalas ng Presidential aspirant na sa loob ng limang taon na sinisiraan, binabastos at winalanghiya ang pangalan nito ay pinili pa rin nito na gawin ang tama at manindigan.

Sinabi rin ng aktres na para sa kanya ay kabutihan na ipinamalas ni Robredo ang pinakamataas na uri  ng katapangan dahil sa kabila ng mga paninira ay mas pinili umano ng huli na magpatuloy sa pagtugon sa tungkulin bilang bise presidente ng matapat, maalaga at may pagkalinga sa mga kapwa Pilipino.

Bilib din umano ito dahil patuloy na ipinaglalaban ni Robredo na manaig ang katotohanan kahit na mas makapangyarihan ang babanggain nito.

Aniya, biyaya ang maisabuhay ang kabutihan bagay na naipamalas umano ni Robredo at patuloy na isinasagawa sa paglilingkod sa mga Pilipino at sa pagpapatuloy ng mga programa nito sa kabila umano ng maliit na budget ng opisina nito.

Kaugnay nito, Nagpahayag din ng suporta ang aktres na si Nikki Valdez na nagsabing hindi ito naniniwala sa sinasabi ng mga bashers ni Robredo na hindi nito kayang pamunuan ang gobyerno dahil sa pagiging babae nito.

Aniya, hindi kahinaan ang pagiging babae lalo na kung isang mabuting ina ito.

Malayo umano ang mararating ng bansa kung pamumunuan ito ng isang babaeng tapat, mahusay at hindi nagpapatinag sa anumang paninira at kasinungalingan.

Magugunitang kamakailan ay ilang artista na ang nagpahayag ng kani kanilang suporta kay Robredo sa ibat ibang social media platforms.

Leave a Reply

Your email address will not be published.