Naaresto ng kapulisan ng Daet MPS sa ikinasang Manhunt Charlie Operation,
ang isang lalaking may kasong paglabag sa RA 9262 nitong Maso 9, 2022 ganap na
alas 10:30 ng umaga sa Plainville Subd. Brgy. Dogongan, Daet, Camarines Norte.
Ang akusado ay nakilalang si alyas “Son”, 18 taong gulang, binata at residente
ng Purok 7, Barangay Lag-on, Daet, Camarines Norte. Ang nasabing personahe ay
inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Anti-Violence against Women
and their Children Act of 2004 (Violation of Sec. 5(a) of RA 9262) na may Criminal
Case No. 21569, na ipinalabas ni Hon Judge RENE MORALLO DELA CRUZ ng
Regional Trial Court, Branch 5, Daet, Camarines Norte at may petsang March 7, 2022.
Tatlumpu’t anim na libong piso (Php36,000.00) ang inirekomendang piyansa para sa
kanyang pansamantalang kalayaan.
Kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng Daet MPS ang nasabing akusado upang
kaharapin ang kaso laban sa kanya.
Camarines Norte News