4-KATAO, ARESTADO SA ISINAGAWANG BUY-BUST OPERATION SA ISANG DRUG DEN SA BAYAN NG DAET

4-KATAO, ARESTADO SA ISINAGAWANG BUY-BUST OPERATION SA ISANG DRUG DEN SA BAYAN NG DAET

Naging matagumpay ang ikinasang buy-bust operation na pinangunahan ng ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž ๐ƒ๐ซ๐ฎ๐  ๐„๐ง๐Ÿ๐จ๐ซ๐œ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐€๐ ๐ž๐ง๐œ๐ฒ-๐‚๐š๐ฆ๐š๐ซ๐ข๐ง๐ž๐ฌ ๐๐จ๐ซ๐ญ๐ž sa pangunguna ni ๐€๐ ๐ž๐ง๐ญ ๐’๐€๐Œ๐”๐„๐‹ ๐ƒ๐„๐“๐„๐‘๐€, katuwang ang mga operatiba ng ๐‚๐๐๐๐Ž-๐๐ˆ๐” at ๐ƒ๐š๐ž๐ญ ๐Œ๐๐’ sa pamumuno ni ๐๐‹๐“๐‚๐Ž๐‹ ๐€๐‘๐๐„๐‹ ๐ƒ ๐ƒ๐„ ๐‰๐„๐’๐”๐’, ๐‚๐Ž๐ sa diumanoโ€™y drug den sa Purok 1, Brgy IV, Daet Camarines Norte, bandang alas 2:00 ng hapon nitong Marso 18, 2022 na nagresulta sa pagkakaaresto ng apat (4) na katao. Ang mga suspek ay nakilalang sina;

1. alyas โ€œ๐“๐„๐’๐’โ€, 36 taong gulang, dalaga at residente ng P1, Brgy. Mantagbak, Daet, Camarines Norte (subject of buy-bust/drug den maintainer);

2. alyas โ€œ๐๐€๐๐ƒ๐ˆ๐๐†โ€, 34 taong gulang, binata at residente ng P1, Brgy. Mantagbak, Daet, Camarines Norte (subject of buy-bust/drug den maintainer);

3. alyas โ€œ๐‰๐€๐๐„โ€, 21 taong gulang, dalaga at residente ng P2, Brgy. Mantagbak, Daet, Camarines Norte (visitor of drug den); at si

4. alyas โ€œ๐‰๐€๐˜โ€, 27 taong gulang, binata at residente ng Brgy. Camambugan, Daet, Camarines Norte (visitor of drug den).

Nakumpiska sa nasabing operasyon ang mga sumusunod na ebidensya:

a. Isang (1) piraso ng selyadong plastik na pakete ng hinihinilang shabu (obtained thru buy-bust);

b. Dalawang (2) piraso ng selyadong plastik na pakete ng hinihinilang shabu (buy-bust drug);

c. Ilang piraso ng ginamit na aluminum foil;

d. Ilang piraso ng plastik na pakete na walang laman ngunit may bakas ng hinihinalang shabu;

e. Apat (4) na piraso ng improvised burner (disposable lighter);

f. Isang (1) gunting;

g. Tatlong (3) cellphone; at

h. Isang (1) piraso ng Limandaang Piso na may serial number na PB625047 kasama ng siyam (9) na piraso ng replikang Limandaang Piso (boodle money).

Ang nasabing operasyon, pagmarka at imbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensya ay nasaksihan ng mga mandatory witnesses na kinabibilangan ng mga opisyales ng barangay at kinatawan ng media mula sa Brigada News FM-Daet.

Tinatayang umaabot sa 50 gramo ang kabuuang timbang ng mga nakumpiskang iligal na droga na may katumbas na halaga na humigit kumulang 340,000.00. Kasong Paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 ang inihahanda na ng PDEA para sa mga nasabing personahe.

Leave a Reply

Your email address will not be published.