AKO BICOL PARTYLIST, NAGBIGAY PAG-ASA SA ISLA NG BANOCBOC NA HINDI NOON NABISITA NG MGA GEOLOGISTS DAHIL SA SAMA NG PANAHON

AKO BICOL PARTYLIST, NAGBIGAY PAG-ASA SA ISLA NG BANOCBOC NA HINDI NOON NABISITA NG MGA GEOLOGISTS DAHIL SA SAMA NG PANAHON

Kinumpirma ni Kapitan Jommel Avellano ng Banocboc Island sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte na kasama dapat sila sa mga Barangay noon na bibisitahin ng mga Geologists ng Ako Bicol Partylist upang magsagawa ng ground survey upang matukoy kung saang parte ng isla mayroong water source para sa proyekto ng Ako Bicol na Water System Project Level 2.

Subalit, sa kasamaang palad, ay naantala ang pagtungo roon ng team dahil sa sama ng panahon.Gayunpaman ay labis na ang pasasalamat ng kapitan dahil isa sila sa mga napili ng Ako Bicol Partylist para sa naturang proyekto na malaki ang magiging tulong sa kanilang barangay at karatig-isla nito.Kaugnay nito ay tiniyak naman ni Ako Bicol Partylist 2nd Nominee Atty. Jil Bongalon na mababalikan ang naturang isla para sa pagpapatuloy ng ground.

Aniya, pinaninindigan ng Ako Bicol Partylist ang pangako nito na makapaghatid ng malinis at libreng inuming tubig sa mga malalayo’t ilang na lugar sa anim na probinsya ng Bicol Region kung kaya’t magpapatuloy sila sa paglilibot hanggang sa ang lahat ay mabigyan nito.

Ito rin ang pangakong binitawan ni Ako Bicol Representative at Founder Zaldy Co na siyang ama ng water system Project. Malambot ang puso ni Co para sa mga nasa malalayong barangay kung kaya’t nais ng kongresista na maging daan para sa ikagagaan ng buhay ng mga pamilyang mahabang panahon nang walang malinis at sapat na suplay ng tubig.

Ang isla ng Banocboc ay bahagi ng Calaguas Group of Islands kung saan dalawang oras na biyahe sa dagat ang kailangang gugulin upang makarating ito sa kabayanan para lamang bumili ng inuming tubig.Mayroong water system project sa lugar subalit sa ngayon ay kailangan pa itong kumpunihin.

Para kay kapitan Avellano, malaking bagay kung magkakaroon pa ng isang water system na pakikinabangan ng nasa apat na libong populasyon sa nasabing lugar. (Sagip Camarines Norte Journal)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *