VP LENI LAMANG SA KATUNGGALING SI BBM SA HANAY NG MGA HINDI NAKARANAS MA-SURVEY PARA SA DARATING NA HALALAN AYON SA ISANG INDEPENDENT STUDY

VP LENI LAMANG SA KATUNGGALING SI BBM SA HANAY NG MGA HINDI NAKARANAS MA-SURVEY PARA SA DARATING NA HALALAN AYON SA ISANG INDEPENDENT STUDY

Taliwas sa resulta ng mga nalathalang survey, lamang si Vice President Leni Robredo sa katunggaling si Ferdinand Marcos, Jr. sa resulta ng independent study sa mga Pinoy na hindi pa nakaranas ma-survey para sa darating na halalan.

Kinuha ng Brand-Y Research and Market Intelligence ang 1,200 Filipino na hindi pa nakaranas ma-survey bilang kalahok sa pag-aaral na ginawa mula 16-28 Pebrero 2022.

Sa nasabing pag-aaral, tinanong ang mga kalahok sa pamamagitan ng online questionnaire kung sino ang kanilang iboboto bilang Pangulo at Bise Presidente sa halalan sa Mayo.

Ginamit ng pag-aaral ang tinatawag na psychographic identifier para sa mga kalahok: Medyo Hirap Pa Sa Buhay (SEC DE), Ok Naman Hindi Mahirap Hindi Mayaman (SEC C), at Komportable At Nakaka-Angat-Angat Na Ang Pamilya (SEC AB).

Batay sa kabuuang resulta ng pag-aaral, nakuha ni Robredo ang 53 porsiyento ng kabuuang boto habang si Marcos ay mayroong 37 porsiyento.

Gaya nang ipinapakita ng mga survey, si Marcos ang napili ng 52 porsiyento ng SEC DE o mayorya ng populasyon (58 porsiyento) habang si Robredo ay mayroon lang 36 porsiyento.

Ngunit si Robredo naman ang lamang sa SEC AB (1 porsiyento ng populasyon) at C (41 porsiyento ng populasyon) na may 96 porsiyento at 76.8 porsiyento, ayon sa pagkakasunod.

Bukod rito, nanguna si Robredo sa Google Trends mula 5 Pebrero hanggang 2 Marso 2022 na may kabuuang score na 107 mula sa mga search na gamit ang keywords na “Leni” at Robredo” at mula sa positive engagements, malayo sa score ni Marcos na 79.

Tagumpay ang Google Trends sa pagdetermina sa resulta ng halalan sa United States, Greece, Spain, Germany at Brazil.

Nakakuha rin si Robredo ng limang puntos na kalamangan kay Marcos ngayong buwan pagdating sa Facebook engagement score, na sumusukat sa potensiyal na maging botante ng partikular na kandidato ang isang tao. Si Robredo ay mayroong 8 milyong engagements kumpara sa 7.5 milyon ng kanyang katunggali.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *