Matagumpay na naisagawa ng Department of Trade and Industry Camarines Norte ang kanilang programa na Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PGG) noong ika-24 ng Marso, 2022 sa Agro Sports Center, Daet, Camarines Norte.
Ayon sa DTI, mayroong 450 negosyante mula sa iba’t ibang bayan ng Camarines Norte na kabilang sa klasipikasyon na micro-enterprises at naging biktima ng pananalasa ng pandemya at iba pang kalamidad ang naging beneficiaries sa nasabing programa.
Tumanggap ang mga ito ng iba’t ibang kagamitan, kasangkapan at mga paninda na makatutulong sa muling pag angat o bagong panimula nitong mga negosyante.
Ang programang ito ay hatid ng DTI Camarines Norte kasama ang Provincial Government of Camarines Norte sa pamumuno ni Governor Eduardo “Egay” A. Tallado.