Labo, Camarines Norte – “Bubuhusan namin ng mas maraming proyekto at serbisyo ang bayan ng Labo.” Ito ang sinabi ni Gov.Egay Tallado sa mga residente ng Brgy. Iberica at Brgy.Bautista ng naturang bayan kamakalawa, sa ikaapat na araw ng lokal na kampanyahan.
Ayon sa gobernador na kung dati rati ay sila lamang ni 1st District Congw. Josie Baning Tallado ang magkatuwang sa pagdadala ng proyekto sa bayan ng Labo, ay lalo itong madaragdagan kapag ang kanilang anak na si Alvin Tallado na ang naging alkalde dito.
Kwento ng gobernador na nagbilin siya sa kaniyang anak na ibigay sa mga taga Labo ang nararapat na pag lilingkod kapag ito na ang alkalde, ito ay upang maiparamdam ng nakababatang Tallado ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng maayos na pagsisilbi sa kanyang mga kapwa Laboeños.
Nagpasaring din ang gobernador sa mga patuloy na naninira sa kanya at sa kumukwestyon sa kakayahan ng kanilang pamilya. Ang plano aniya ng mga kalaban sa pulitika ay nagagawa na sa team gawa at napapakinabangan na ng mga CamNorteños.
Para naman sa mga residente ng dalawang barangay ay nais pa rin nilang magwagi ang pamilya Tallado sa nalalapit na halalan. Batay sa datos ng COMELEC sa lalawigan ng Camarines Norte, ang bayan ng Labo ang may pinakamaraming rehistradong botante sa kasalukuyan.