VG-ELECT JONAH PIMENTEL MAY PAKIUSAP SA MGA LABOEÑO

VG-ELECT JONAH PIMENTEL MAY PAKIUSAP SA MGA LABOEÑO

Hinimok ni Vice Governor-elect Jonah Pimentel ang mga Laboeño na sa pagpili ng bise gobernador ay huwag aniyang daanin sa pagiging kababayan kundi isipin ay iyong makakatulong at makakatuwang ni Gov. Egay Tallado sa Sangguniang Panlalawigan.

Ginawa nito ang pahayag nitong Linggo,Abril 3, sa pangangampanya ng Team Gawa sa Brgy.Malasugui at Brgy.Guinacutan kapwa sa bayan ng Labo na lubos na sinang ayunan ng mga residente doon.

Ipinaliwanag nito na ang tambalan nila ni Gov.Tallado ang isa sa mga susi kung bakit napakaraming proyekto at programa ang naisagawa ng pamahalaang panlalawigan sa bayan ng Labo at sa buong Camarines Norte.

Dagdag ni Pimentel na taliwas ito sa gustong mangyari ng kalaban niya sa pagka bise gobernador, dahil ang panukala aniya nito “ay suhayin at harangin ang gustong kaunlaran ni Gov.Egay na ang magiging resulta ay ang pagka perwisyo sa paghahatid ng tamang serbisyo sa mamamayang CamNorteño.”

Maaalalang palagiang binibigyang diin ni Gov.Egay Tallado na napakahalaga na si vice gov-elect Jonah Pimentel pa rin ang dapat suportahan ng sambayanan upang magpatuloy ang progreso ng lalawigan.

Si Team Gawa vice-gubernatorial bet Jonah Pimentel ay kinikilala bilang isa sa pinakamahusay na presiding officer at tagapag timon sa pagbalangkas ng mahahalagang polisiya sa kasaysayan ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte.

Leave a Reply

Your email address will not be published.