AKO BICOL PARTYLIST, PATULOY NA NANGUNGUNA SA LATEST PULSE ASIA SURVEY

AKO BICOL PARTYLIST, PATULOY NA NANGUNGUNA SA LATEST PULSE ASIA SURVEY

Patuloy na nangunguna ang Ako Bicol Partylist, numero 18 sa balota, sa mga party-list groups bilang pinagpipilian para paparating na May 2022 Presidential and Local Elections.

Ayon sa latest survey na isinagawa ng Pulse Asia na may petsang Marso 17 hanggang 21, nakakuha ang Ako Bicol Partylist ng 5.3 porsyento.

Sinabi ni Atty. Jil Bongalon, 2nd nominee ng Ako Bicol Partylist, numero 18 sa balota, natutuwa sila dahil patuloy ang pag-improve ng rating ng Ako Bicol Partylist, mula sa 5.0 porsyento, ngayon ay nasa 5.3 porsyento na.

Paliwanag ni Atty. Jil Bongalon, sa kabila ng mataas na rating sa survey, hindi pa rin sila nagka-kampante at sa halip, mas pang dodoblehin ang pagsisikap upang iparating sa publiko na ang Ako Bicol Partylist, numero 18 sa balota, ang dapat piliin sa darating na eleksyon.

Una ng sinabi ni Atty. Jil Bongalon na ang mga accomplishments ng Ako Bicol Partylist, numero 18 sa balota, tulad ng magaganda at napapakinabangan na mga proyekto at programa, mga natulungan sa edukasyon at medical, at nakapakarami pang iba ang rason kung bakit nasa top choices ang Ako Bicol Partylist sa mga isinasagawang mga surveys.

Leave a Reply

Your email address will not be published.