SENIOR CITIZENS NG DAET, NABIGYAN NG FINANCIAL ASSISTANCE

SENIOR CITIZENS NG DAET, NABIGYAN NG FINANCIAL ASSISTANCE

Nabigyan na ng financial assistance sa loob ng anim na araw ang mga senior citizens ng 25 barangay ng bayan ng Daet nitong nakatalikod na linggo sa Agro Sports Center. Sa 12 bayan ng Camarines Norte ay tanging ang Daet na lamang ang hindi nakakapagsagawa nito.

Dito ay nagkaroon ng pagkakataon na makadaupang palad ng mga nakatatanda si Gov.Egay Tallado, kung saan humingi ng paumanhin ang gobernador sa mga ito at nangakong madaragdagan ang natanggap nilang assistance sa mga susunod na panahon.

Dagdag ng gobernador na lahat ng senior citizen mula sa iba’t ibang estado sa buhay ay kasama sa nabigyan o bibigyan ng nabanggit na programa ng pamahalaang panlalawigan.

Ito ay labis na ikinatuwa ng mga senior citizens sa kadahilanan anya na nararamdaman nila ang pagkalinga ng gobernador at hindi sila nito nakakalimutan. Ayon sa datos ang Camarines Norte ay may humigit kumulang 80,000 senior citizens sa kasalukuyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.