Isang 46-anyos na babaeng tulak ng iligal na droga na kabilang sa Regional Recalibrated Data Base on Illegal Drugs High Value Individual (HVI) ng PNP ang nasakote ng mga tauhan ng Labo MPS sa pangunguna ni PLTCOL Juancho B. Ibis, Hepe katuwang ang mga operatiba ng CNPIU sa kanilang ikinasang buy-bust operation dakong 3:30 ng hapon nitong Abril 18, 2022 sa P-3, Brgy. Gumamela, Labo, Camarines Norte.
Ang nabanggit na suspek ay kinilalang si alias MaloU, 46 taong gulang at residente ng Purok 4, Brgy. 1, Daet, Camarines Norte. Nakuha sa nasabing operasyon ang mga sumusunod na ebidensya:
• Isang (1) piraso ng katamtamang laki ng selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang “shabu” na may timbang na humigit kumulang 1.4 gramo na may tinatayang halaga na humigit kumulang Php 7,500.00 (buy-bust item);
• Dalawang (2) piraso ng katamtamang laki ng selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang “shabu” na may timbang na humigit kumulang 10 gramo na may tinatayang halaga na humigit kumulang Php 70,000.00 (possession); at
• Isang (1) piraso ng Limang Daang Piso na may serial number DM020624 kasama ang Pitong (7) piraso ng pekeng Isang Libong Piso na pawang may serial number na G578193 (boddle money).
Samantala, ang nabanggit na operasyon ay nasaksihan ng mga mandatory witnesses na kinabibilangan ng mga opisyales ng nasabing barangay at media mula sa Cool Radio FM. Ang mga nakuhang iligal na droga ay tinatayang umaabot sa timbang na 11.4 gramo na may katumbas na halaga na humigit kumulang Php77,500.00. Ang nabanggit na personahe ay nasa kustodiya ng Labo MPS habang inihahanda ang kasong Paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 laban sa kanya.
“Walang pinipiling okasyon, lugar o kasarian ang pagsasagawa ng Anti-Illegal Drugs Operation ng inyong kapulisan. Kailangan nating gumawa ng paraan upang masawata at matuldukan na itong pagpapakalat ng droga sa ating lalawigan upang mailigtas ang ating mga kabataan na papasibol pa lamang at mapanatili natin ang isang mapayapa at tahimik na pamayanan. Patuloy tayong magtatrabaho, maprotektahan lamang ang ating probinsya at ang mga taong nakatira rito.” -PCOL GUADAMOR.