PAGSASAGAWA NG PEACE COVENANT SIGNING PARA SA SAFE NATIONAL AND LOCAL ELECTIONS 2022 SA PROBINSYA NG CAMARINES NORTE MATAGUMPAY NA NAIRAOS, BAGONG REGIONAL DIRECTOR NG PRO5 NAKIISA SA AKTIBIDAD

PAGSASAGAWA NG PEACE COVENANT SIGNING PARA SA SAFE NATIONAL AND LOCAL ELECTIONS 2022 SA PROBINSYA NG CAMARINES NORTE MATAGUMPAY NA NAIRAOS, BAGONG REGIONAL DIRECTOR NG PRO5 NAKIISA SA AKTIBIDAD

Matagumpay na naisagawa ng Camarines Norte Police Provincial Office sa pangunguna ni PCOL JULIUS D GUADAMOR, Provincial Director ng CNPPO, kaisa ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na kabilang sa mga Deputized Agencies ng COMELEC ang paglunsad ng SAFE 2022 National and Local Elections. Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga pinuno ng mga ahensyang itinalaga ng COMELEC at ng mga tumatakbong kandidato mula sa labindalawang munisipyo ng Camarines Norte na ginanap alas 8:30 ng umaga nitong Abril 30, 2022 sa Camp Wenceslao Q. Vinzons, Sr. Brgy. Dogongan, Daet, Camarines Norte.
Labis ang pasasalamat ng mga kapulisan ng CNPPO sa pamumuno ni PCOL GUADAMOR, sa suportang Ibinigay ng bagong Regional Director ng Police Regional Office 5 na si PBGEN MARIO ALBITOS REYES sa pagbisita nito at pakikilahok sa nasabing aktibidad pati na rin sa mga Chiefs of Police, Force Commanders at CAD PNCOs ng mga municipal police station, Philippine Coast Guard (PCG), Armed Forces of the Philippines (AFP), Commission on Elections (COMELEC), Department of the Interior and Local Government (DILG) sa suportang ipinamalas nila upang maging matagumpay ang nasabing aktibidad.
Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng isang panalangin na pinangunahan ni Pastor Roland M. Sanio. Sinundan ito ng pagbigay pagkilala sa mga lumahok sa nasabing programa naman ni PLTCOL ROGELYN C PERATERO, Chief PCAD. Isang pambungad na pananalita naman ang ipinaabot ni PCOL JULIUS D GUADAMOR, PD CNPPO. Nagbigay naman ng mensahe sina COL EDMUNDO G PERALTA, ang Brigade Commander ng 902nd IB, 9ID ng Philippine Army, LIEUTENANT JUNIOR GRADE RONNIE REY PABICO, Acting Commanding Officer ng Coast Guard-Camarines Norte, PBGEN MARIO ALBITOS REYES, PRO5 Regional Director at panghuling mensahe mula sa kinatawan ng COMELEC na si Mr. Rommel Pajarin, COMELEC Officer ng Jose Panganiban, Camarines Norte.
Sa nasabing aktibidad, nagkaroon ng pagsindi ng SAFE candles bilang simbolo ng pangangalaga at proteksyon ng integridad para sa gaganaping National and Local Elections 2022. Sinundan ito ng paglagda ng Pledge of Commitment na pinangunahan ni Engr. Jerwin Novio, Provincial Cluster Head ng DILG Camarines Norte kung saan lahat ng pinuno ng mga deputized agencies ay sabay-sabay nanumpa at lumagda sa nasabing panunumpa. Matapos nito, isa-isa ring nanumpa at lumagda ang mga political candidates ng kanilang Integrity Pledge na pinamunuan naman ni Mr. Rommel Pajarin, kinatawang ng COMELEC.
Sa huling bahagi ng programa ay nagpalipad ng mga puting kalapati kung saan ito ay sumisimbolo ng pag-asa, katapatan, kadalisayan at pagmamahal.
Binigyang diin naman ni PRO5 Regional Director PBGEN MARIO A REYES ang kanyang battlecry para ngayong darating na halalan ang “ZERO” o Zero Election-Related Occurrence para sa Safe, Accurate, Free/Fair National and Local Elections 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published.