COS ROSEMARIE CONEJOS PANOTES, ANG KAHALILI NI 2nd DISTRICT REPRESENTATIVE MARISOL “TOOTS” PANOTES SA PAGKAKONGRESISTA NG SEGUNDO DISTRITO

COS ROSEMARIE CONEJOS PANOTES, ANG KAHALILI NI 2nd DISTRICT REPRESENTATIVE MARISOL “TOOTS” PANOTES SA PAGKAKONGRESISTA NG SEGUNDO DISTRITO

Ang kaisa-isang anak at tumatayong rin na Chief of Staff ni 2nd District CongW Marisol “Toots” Panotes na si COS Rosemarie Panotes ang pinangalanan ni Governor at PDP Laban Provincial Chairman Edgardo Tallado na kahalili ng pumanaw na mambabatas.
Paliwanag ng gobernador na bago pumanaw si Cong. Toots ay nagbilin ito na sakaling may hindi magandang mangyari sa kanya ay ninanais niya na ang kanyang nag iisang anak ang maging kapalit.
Ani ng gobernador ang desisyong ito ay masusunod at suportado ito ng buong partido.
Naniniwala din ang buong Team Gawa na may sapat na kakayahan si Rosemarie na nagsisilbing rin na Chief of Staff ni Cong. Toots sa loob ng anim na taon.
Hindi na idinetalye ng gobernador ang dahilan ng maagang pagpanaw at sa halip wika nito na ibibigay niya ang karapatang na magbigay ng detalye ang kaanak na lamang ng mambabatas.
Samantala sa Facebook post ni COS Rosemarie Panotes kaninang alas onse ng umaga sinabi nito “it is with deep sorrow to announce the passing of my mother CongW Marisol “Toots” Panotes, a loving mother, a living wife, a loving grandma and a good public servant. Your prayers will be much appreciated in this most difficult time. Wake and interment schedule will followโ€ฆ Thank you”.
Kung babalikan ay tumatakbo bilang re-electionista sa kanyang ikatatlong at huling termino si 2nd District CongW Marisol “Toots” Panotes nang siya ay bawian ng hiram na buhay.
Inihahanda ngayon ng Team Gawa ang pagsalubong sa mga labi ng yumaong mambabatas na nagdala ng malaking pagbabago sa direksyon ng pag unlad kasangga ni Governor Tallado.

Leave a Reply

Your email address will not be published.