LALAKI ARESTADO SA KASONG ACTS OF LASCIVIOUSNESS SA BAYAN NG LABO

LALAKI ARESTADO SA KASONG ACTS OF LASCIVIOUSNESS SA BAYAN NG LABO

Bandang alas 10:40 ng umaga nitong Mayo 13, 2022 nang maaresto ng kapulisan ng Labo Municipal Police Station (MPS) ang isang lalaking may kasong Acts of Lasciviousness sa Brgy. Malasugui, Labo, Camarines Norte.

Ang akusado ay nakilalang si alyas “Don”, 40 taong gulang, binata, drayber at residente ng Purok 4A Brgy. Dalas, Labo, Camarines Norte.

Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness (RPC ART. 336) sa ilalim ng kasong kriminal na may numerong 2022-4234 na ipinalabas ni Hon. Leo Lumabad Intia, Acting Presiding Judge of RTC Branch 64, Labo, Camarines Norte at may petsang April 27, 2022.

Isang daan at walong libong piso (Php 108,0000) ang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng Labo MPS ang nasabing arestado para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.